fbpx
✆ 0939-972-9846 (Smart) 📱 0906-059-1323 (Viber/Whatsapp) sales@carrentaldavao.com

Maging isang Car Rental Davao Affiliate

I-refer ang iyong mga kliyente sa Car Rental Davao at kumita hanggang sa 10% ng total na presyo ng nirentahang sasakyan. Mag-register na at kumita sa pamamagitan ng pagsali sa programang ito ng nangungunang car rental agency sa Davao. 

Papaano ito?

I-promote lamang ang Car Rental Davao sa inyong mga kasalukuyang kliyente. Kada isa sa referral na magagawa niyo para samin, makakatangap kayo ng 10% na komisyon mula sa kabuuang presyo ng nirentahang sasakyan. Ganun lamang kasimple. Mayroon kaming advanced backend cloud based software na siya mismong magtatrack at magmomonitor ng inyong nagawang referrals kaya naman malinaw kung magkano ang inyong kikitain. Dito, makakatangap kayo ng QR code at URL link na para lamang sa inyo. Magkakaroon kayo ng access sa aming system kung saan pwede kayong mag log-in at doon puwede niyong makita ang lahat ng clicks, referrals, bookings, deliveries, pati na rin ang lahat ng natapos na rentals.

t

Magkano ang gagastusin ko para dito?

Wala ni singko. Walang sign up fees, processing fees, set up fees, wala lahat! Walang mawawala sayo kung mags-sign up ka dito. 

Sino ang pupuwedeng sumali at kumita dito?

R

Leasing Agents

Ang mga leasing agents ay madalas makipag-usap at makipagdeal sa mga rumerenta. Kadalasan, ang nga nagrerenta ng sasakyan ay sa kadahilanang nais nila magtravel, mapashort term man o long term. Ang iba naman ay gustong mamasyal o pumunta sa lugar na kailangan nilang puntahan pero walang sariling sasakyan kaya naman ang pagrenta ang pinakamadaling paraan para sa kanila. I-promote lamang ang ating programa sa inyong mga potential clients sa pamamagitan ng word of mouth, QR code na matatagpuan sa inyo business cards, email address o anu pa mang printed material na nais niyong gamitin. Maaari rin sa social media o sa inyong website. Sa oras na mag-click sila gamit ang QR code, link sa website, madedetect ito mismo ng aming system na siya mismong magbibigay sa inyo ng komisyon sa narentahang sasakyan.

R

Mga auto at mekanikal shops

Kadalasan, kailangan ng kliyente ng sasakyan na magagamit habang ang kanilang sariling sasakyan ay ginagawa o nirerepair. Ito ang isa sa pinakamadali niyong makuhang mga kliyente para magrenta ng sasakyan. Madali para sa mga automotive at body shops ang magdagdag pa ng isa pang pagkukunan ng pagkakakitaan sa pamamagitan lang ng pagrefer sa inyong mga kliyente sa Car Rental Davao. Sa oras na may magclick sa aming ibibigay na link o unique QR code, maitatrack na namin kung magkano ang karampatang komisyon na dapat niyong matangap.

R

Hotels at mga nagpaparenta sa AirBnB

Halos lahat ng travellers ay nangangailangan ng sasakyang magagamit nila sa kanilang bakasyon. Dito pumapasok ang mga rental cars. May driver man o wala, ang Car Rental Davao an nandito para tulungan ang sinumang nangangailangan magrenta ng sasakyan. Napakadali lang ng pagrenta sa amin at siguradong hindi kayo mahihirapan, pati na rin ang inyong mga kliyente. Sa pagagamitan ng website, pagmarket at pagpromote sa social media, paggamit ng email signature links, kung saan ito may QR side, pati na rin ang tracking URL, mas magiging madali ang pagpasok ng kita sa inyong negosyo. Sa oras na I-click ng inyong kliyente sa aming website gamit ang QR code o URL, kusa nang i-tatrack ng aming system ang komisyon na para sa inyo.

R

Bloggers/Vloggers/Travel Websites

Isa ka bang blogger o di kaya naman vlogger? Mayroon ka bang travel website? Kung oo, maari ka ring maging affiliate dito sa Car Rental Davao. Sa pamamagitin ng pagtarget sa inyong mambabasa o followers, maaari kayong kumita. Madali lamang po ang proseso dito at mas lalo pa namin pinadali dahil mayroon kaming in-house marketing team na siya missing tututok at magbibigay sa inyo ng kung anumang klase ng marketing materials na kailangan niyo, mapabanner man o simpleng image. Anuman pong format o requirement, maipoprovide po namin ito sa Inyo.

R

At marami pang iba...

Ito lamang ay ilan sa mga industriya na puwedeng kumita sa pamamagitan ng pagiging affiliate sa Car Rental Davao. Marami pang iba, at kung sa tingin niyo ay pupwede kayong kumita at pasok kayo sa aming hinahanap, maaring makipag-ugnayan lang po sa amin.  

Bakit ka makikipagpartner sa amin dito sa Car Rental Davao?

Napakadaliang promotion

I-promote lamang ang Car Rental Davao kahit saan sa pamamagitan ng aming referral link, QR Codes, o gamitin ang aming mga banners at images, atbp. Napakadali lang nito at hindi niyo na kailangan pang gumastos at hindi rin sayang ang oras dahil mismong ang aming in-house team na ang gagawa ng content para sa inyo na puwede niyong gamitin sa inyong website, social media accounts, email atbp. 

Wasto at karampatang komisyon

Tumangap ng komisyon na aabot sa 10% dada Enterprise referral. Wala itong limit, obligations o minimum commitments. Kapag mas maraming referrals ang inyong magawa, mas mataas din ang commission na makukuha niyo.

1

Pag-track ng maayos

Ang aning affiliate dashboard ay naglalaman ng clicks, mga nabook na sasakyan, at ang inyong komisyon na matatangap. Dito, makikita niyo kung magkano na ang inyong kita, performance niyo, atbp.

Affiliate manager na tututok sa Inyo

Dito sa Car Rental Davao, bibigyan namin kayo ng stratehiya para mas dumami ang bumisita sa inyong website o social media, pati na rin ang paglago ng inyong kita. Kayo mismo ay magkakaroon ng access sa amine affiliate expert na tutulong sa Inyo upang mas lumago arg Inyong kikitain sa pagiging affiliate.

Maging isa nang Affiliate ng crd! mag-Sign up na at kumita!